Hindi ko maipaliwanag yung eksaktong nararamdaman ko kapag kasama kita. Ang alam ko lang, masaya ko kapag kasama kita, masaya ko kapag ikaw lang katabi ko. Yung feeling na hindi ko maitago yung ngiti ko, hindi ko mapigilang kiligin kapag kausap na kita, kapag naririnig ko boses mo. Kapag kayakap kita, parang nasa langit ako, parang wala na ko dapat pang hilingin kasi nandyan ka na sakin.
Ayoko ng matapos yung araw kapag kasama kita. Gusto ko lagi kitang kausap at magkwekwentuhan tayo magdamag. Lamlambingin mo ko, lalambingin kita. Gusto ko kapag kasama mo ko, makita kitang masaya at kapag ako lang nasa tabi mo, makita ko sa mga mata mong kuntento ka na sakin. Dahil dun, hindi ko na kailangang pang humanap ng iba para lang maging masaya ako, sayo lang ako, akin ka lang, kumpleto na ko.
0 comments:
Post a Comment