Pero napagtanto ko, sa paggawa ko nun, parang hinuhukay ko na pala ang sarili kong libingan. Bakit? Dahil hindi ko maiwasan na mapadaan, at mamalagi sa mga post o kaya litrato ng mga dati niyang nagustuhan. Kahit na dati pa yun, masakit din pala noh? Grabe! Parang kinukurot yung puso ko sa mga nababasa ko. Natutuwa at napapangiti pa nga ako nung una, dahil sabi ko sa sarili ko, "napakacorny" naman ng taong ito.
Pero masokista nga siguro akong tunay, at talagang nagbasa pa ko ng nang nagbasa hanggang sa hindi ko na kaya. Yung tipong maiiiyak na ko at halos wala na akong lakas para pindutin pa yung Exit button sa dulong kanan ng monitor ko. Ganun nga siya kasakit.
Kung tutuusin, hindi ko na dapat yun iniisip hindi ba? Dahil ako na yung mahal nya ngayon at malaki ang bragging rights ko dahil ako ang una niyang naging girlfriend.. Pero, kailangan ko bang ipagmayabang yun? Na ako ang una? Wala akong pakialam sa kung sino ang nauna, ang mahalaga para sa akin ay kung sino ang huli...
Maraming beses man umiyak dahil sa'yo,
Ikaw parin naman ang hina-hanap ko.
Kahit sa akin ay madaling mainis at magalit,
Pag naman ako'y nilambing, talagang sulit!
Hindi ka man madalas sweet sa akin,
Ok lang, alam ko namang di na yan kayang baguhin.
Basta ang alam ko, mahal natin ang isa't isa.
Marahil yun lamang ay sapat na.
Hindi naman ako magaling gumawa ng tula,
Pero dahil sayo, kamay ko'y naging parang pluma.
Salamat sa pagmamahal at pag-aalaga,
Maging sa mga luha at saya.
Hindi ka man ang una kong minahal,
Tandaan mo, ikaw naman ang magiging pinakamatagal.
Salamat sinta, ako'y mahal mo,
Wag kang mag-alala, ganyan din ako sa'yo.
0 comments:
Post a Comment