Monday, September 15, 2014

Kape.

Edit Posted by with No comments
"We started over coffee." Sabi nga sa kanta. Parang nakarelate ako. Dun din tayo nagsimula diba? Sa pa-kape kape. Tanda ko pa noon, sa kape lang na libre sa pantry ng opisina ang afford nating inumin. Sabay lang magtitimpla, tapos kwentuhan habang hinahalo ang kape, creamer at asukal. Pagkatapos nun, punta na sa kanya-kanyang area. Pero naglaon, naging Starbucks na! Hindi naman talaga ako ang dapat na ilibre mo ng Starbucks ng araw na yun e. Pero siguro dahil talent ko ang pagpapalibre, napilit kitang ilibre ako. 

Tanda ko pa ung una nating Starbucks e. Take-out lang kasi nahihiya pa tayo sa isa't-isa. Pero di naglaon, ang "to go" naging "for here". Nagkwentuhan na tayo na kung ano-ano. Lumalabas na tayo ng starbucks na walang dalang cup dahil naubos na natin sa loob. Inaabot pa tayo ng lagpas isang oras sa pagkukwentuhan. Ang nakakatawa dito, wala namang kwenta yung mga pinagkukwentuhan natin. Inuubos nating dalawa yung inorder natin, tanda mo? Para pagbalik natin ng opisina, hindi tayo tuksuhin. Ang saya lang balikan, kasi lahat ata ng bisita natin sa Starbucks, sagot mo. Kaya msarap balikan, kasi wala akong gastos. Biro lang, ikaw naman! Eh diba alam mo naman ang motto natin dati, sagot mo ang kape, sagot ang kwento. Eh kasi hindi ka madaldal. Tahimik ka lang. Di ko nga alam kung bakit napagtyagaan mo kong pakinggan sa mga walang kwenta kong kwento. .Pero salamat sa kape ha! at salamat sa kwentuhan. 

Maraming salamat sa ilang Dark Mocha ng Starbucks, naging malalim ang samahan natin. Kape pag nanalo sa pustahan. Kape pag malungkot ako at gusto mo akong pangitiin. Kape pag puyat. Kape pag gusto lang makapgsolo at magusap. Kape pag masama ang pakiramdam ko. Tanda mo non, masama pakiramdam ko, tapos bigla mong sinabi. "Tara libre kita coffee" biglaang nagliwanag ang mundo ko at nakarinig ako ng halleluja! Sa halos lahat ng bagay, kasama nating dalawa ang kape. Di naglaon, dumami narin ang coffee brands na tinry natin. Dati Starbucks lang, ngayon, Figaro at Seattles Best kasama na sa listahan. 

Kung tutuusin, marami kayong similarities ng kape e. Una, dati ayoko sa kape pero di naglaon tila naging paborito ko. Di ko sinasabing ayaw ko sayo dati, sabihin na nating, di kita gusto dati, ngayon, gusto na kita. Di lang gusto, kundi mahal. Pangalawa, pareho kayong nagpapabilis ng tibok ng puso ko at pangatlo, para kang kape, comes in many flavors and variety of sweetness and bitterness. Pero higit sa lahat, para kang kape, hinding hindi ko pagsasawaan. 

Salamat sa mga kapeng pinagsaluhan. Sa mga kwentuhan at tawanang naganap na mga kape lang ng starbucks ang tanging saksi. Salamat at ikaw ang nagiging pangunahing kape ko sa araw-araw. Ginigising mo ako ng mainit mong yakap at matamis mong halik. 
 

0 comments:

Post a Comment